AWENG 2026 REGION 1 IP SUMMIT
PIA Ilocos Region
0:00 / 0:00
AWENG 2026 REGION 1 IP SUMMIT
4 просмотра · 8 дн. назад
PIA Ilocos Region
9 подписчиков
4 просмотра · 8 дн. назад
𝗡𝗖𝗜𝗣, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗨𝗦𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗥𝗘𝗛𝗜𝗦𝗧𝗥𝗢 𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗖𝗘𝗦𝗧𝗥𝗔𝗟 𝗗𝗢𝗠𝗔𝗜𝗡 𝗧𝗜𝗧𝗟𝗘𝗦 𝗔𝗧 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗞 𝗡𝗚 𝗜𝗣 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗟𝗔𝗥𝗦𝗛𝗜𝗣 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠
𝗣𝗔𝗡𝗢𝗢𝗥𝗜𝗡 | Pinaigting ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) Ilocos Region ang pagsusulong ng pagkilala at pangangalaga sa mga lupang ninuno ng mga Indigenous Peoples (IP) sa pamamagitan ng pag-isyu at pagpaparehistro ng Certificate of Ancestral Domain Titles (CADTs), kasabay ng pagpapalawak ng mga oportunidad sa edukasyon para sa mga katutubong mag-aaral.
Ayon kay NCIP Ilocos Regional Director Atty. Arthur Herman, kabilang sa mga prayoridad ng ahensya ang pagtatamo ng legal na pagkilala sa mga ancestral domain, pagbuo ng mga plano para sa pangmatagalang pangangalaga at pamamahala ng mga ito, at pagpaparami ng mga katutubong mag-aaral na makikinabang sa scholarship program ng pamahalaan.
Isa sa mga pangunahing hamon sa pagpaparehistro ng CADTs ang pagkakaroon ng mga umiiral na titulo ng pribadong ari-arian sa loob ng mga ancestral domain.
Upang matugunan ito, patuloy na nakikipagdayalogo ang NCIP sa Land Registration Authority (LRA) at Department of Justice (DOJ) hinggil sa panukalang pagpaparehistro ng mga CADT na may anotasyong kumikilala sa mga umiiral na pribadong karapatan sa mga nasasakupang lupain.
Sa buong bansa, target na mabigyan ng CADT ang 997 ancestral domain, kabilang ang 42 sa Ilocos Region.
Layunin ng hakbang na ito na palakasin ang pagkilala sa mga karapatan ng mga katutubo sa kanilang mga lupang ninuno, habang tinutugunan ang mga legal na usaping may kaugnayan sa pagmamay-ari ng lupa.
Samantala, mayroon nang 875 katutubong iskolar ang NCIP.
Inaasahan namang madaragdagan pa ang mga benepisyaryo sa susunod na taon, depende sa magiging pagtaas ng badyet ng ahensya.
Sa pamamagitan ng mga hakbang na ito, patuloy na isinusulong ng NCIP ang pangangalaga sa karapatan ng mga katutubo sa kanilang lupang ninuno at ang pagbibigay sa kanila ng mas malawak na pagkakataong makapagtapos ng pag-aaral at mapaunlad ang kanilang mga komunidad. (JCDR)
#iNFORMiNSPIREiNNOVATE #IntegratedStateMedia #BagongPilipinas #ISM #PIA #AWENG2026 #IndigenousPeople