Перейти к содержимому

BULUAN MAYOR IBRAHIM "JHONG" MANGUDADATU, NANAWAGAN NG PAGKAKAISA SA GITNA NG HALALAN SA BANGSAMORO

PRIMETIMENEWSCOTABATO

0:00 / 0:00

BULUAN MAYOR IBRAHIM "JHONG" MANGUDADATU, NANAWAGAN NG PAGKAKAISA SA GITNA NG HALALAN SA BANGSAMORO

1 011 просмотров · 2 недели назад
PRIMETIMENEWSCOTABATO
10 подписчиков
1 011 просмотров · 2 недели назад
Nanawagan si Buluan Mayor Ibrahim “Jhong” Mangudadatu para sa pagkakaisa ng mga Bangsamoro at mas malawak na pagtutulungan ng mga partidong pampulitika matapos siyang pormal na manumpa bilang bagong kasapi ng Bangsamoro Federalist Party (BFP) nitong Sabado, Setyembre 5, 2026. Sa isang panayam matapos ang kanyang panunumpa sa kanyang tahanan sa Poblacion, Buluan, sinabi ni Mangudadatu na bagama’t miyembro na siya ng BFP, nananatili ang kanyang respeto sa mga lider ng Bangsamoro at umaasa siyang muling mabubuo ang pagkakaisa ng mga pangunahing grupo sa rehiyon. Ibinahagi rin niya ang kanyang pananaw na maaaring pag-aralan ng BFP at United Bangsamoro Justice Party (UBJP) ang posibilidad ng pagkakaroon ng koalisyon, lalo na matapos ang halalan, upang higit na makapagtuon sa mga usapin ng pamamahala at pagpapaunlad sa Bangsamoro. “Bangsamoro tayo lahat,” ayon kay Mangudadatu, na nagsabing mahalaga para sa mga mamamayan na higit na pagtuunan ng pansin ang mga plataporma at programa ng mga partido kaysa sa personal na pag-atake sa isa’t isa. Sinabi rin ng alkalde na mataas ang kanyang paggalang sa mga nakatatandang lider ng Bangsamoro, kabilang sina Al-Haj Murad Ebrahim, Mohagher Iqbal at Interim Chief Minister Abdulraof “Sammy Gambar” Macacua. Ayon kay Mangudadatu, hindi dapat mauwi sa personal na alitan ang kompetisyong pampulitika at dapat manatiling bukas ang posibilidad ng pagkakasundo at pagtutulungan matapos ang halalan. Binigyang-diin din niya ang epekto ng mga batikos at personal na pag-atake sa social media, na aniya’y maaaring makasira sa pagkakaisa ng mga Bangsamoro. Hinimok niya ang mga botante at tagasuporta ng mga partido na suriin ang mga plataporma at programa ng mga kandidato sa halip na magpalitan ng paninira o pag-atake online. “Ang nais natin ay ikabubuti ng Bangsamoro,” sinabi ni Mangudadatu, habang ipinahayag ang kanyang kahandaang tumulong kung kinakailangan upang maisulong ang pagkakasundo ng mga lider at grupo sa rehiyon. Nanawagan din siya na gamitin ang halalan bilang bahagi ng demokratikong proseso, ngunit pagkatapos nito ay muling magtulungan ang mga lider upang matugunan ang mga hamon sa pamamahala at pag-unlad ng Bangsamoro. Para kay Mangudadatu, ang pagkakaisa ng mga lider at mamamayan ay mahalaga upang maging katuwang, sa halip na maging dagdag na hamon, sa mga pagsisikap ng pambansang pamahalaan para sa kapayapaan at kaunlaran sa rehiyon. // Primetime News Cotabato by Jasper C. Acosta