Перейти к содержимому

AUGUST 12, 2026 | INTERNATIONAL YOUTH DAY

Inday Sara Duterte

0:00 / 0:00

AUGUST 12, 2026 | INTERNATIONAL YOUTH DAY

4 159 просмотров · 2 мес. назад
Inday Sara Duterte
212 тыс. подписчиков
4 159 просмотров · 2 мес. назад
Mga Kababayan Assalamu alaykum warahmatullahi wabarakatuh. Madayaw ug maayong adlaw kaninyong tanan. Magandang araw sa inyong lahat. Isang mapagpalang araw sa ating kabataang Pilipino. Araw-araw, nasasaksihan ninyo sa inyong mga screen ang mga pandaigdigang krisis, bagsak-bangon na ekonomiya, at gulo sa politika sa mismong sandali na nangyayari ang mga ito. Nilulunod kayo ng ingay, magkakasalungat na naratibo, at mga pangako na bihirang magkatotoo. Ang ingay na ito ang nagdala sa inyong henerasyon upang maging lubos na mapagmatyag, mapanuri, at laging nakabantay. Ngayong International Youth Day, kinikilala natin ang temang “Different Contexts, Common Aspirations.” Magkakaiba man ang inyong kinakaharap na realidad, iisa ang inyong mithiin—ang disenteng trabaho, de-kalidad na edukasyon, at marangal na pamumuhay. Hinahangaan ko ang inyong pagbuo ng mga praktikal at malikhaing solusyon kagaya ng inyong inisyatiba para labanan ang climate change. Hindi kayo naghihintay na ayusin ng isang sirang sistema ang sarili nito. Gumagawa kayo ng sarili ninyong espasyo upang humingi ng pananagutan. Our job is to ensure you have the security and opportunities to build the nation you deserve. Your role is not just to inherit the future, but to defend the truth of the present. Patuloy ninyong gamitin ang inyong boses at manindigan. Ang inyong pagiging mapagmatyag ay isang mahalagang sandigan ng ating demokrasya. Sa ating mga Kabataan, mga Kababayan, Mahalin natin ang Pilipinas. Ibalik natin ang tapang at malasakit. Ang lahat ng ating ginagawa ay para sa Diyos, sa Bayan, at sa bawat Pamilyang Pilipino. Shukran SARA Z. DUTERTE Vice President of the Philippines