Перейти к содержимому

Natuloy Rin Ang Galera (Pero Hindi Ka Kasama) 2026

Miles & Melodies by Ron & Matt

0:00 / 0:00

Natuloy Rin Ang Galera (Pero Hindi Ka Kasama) 2026

112 просмотров · 10 дней назад
Miles & Melodies by Ron & Matt
5 подписчиков
112 просмотров · 10 дней назад
Natuloy Rin Ang Galera (Pero Hindi Ka Kasama) [Verse 1] Ang ganda pala roon sa Galera Bughaw ang dagat, maliwanag ang umaga Sa bawat larawan, tawanan ang dala At bawat kuha'y may kuwentong kasama Ilang taon nating pinagplanuhan Mga araw at petsang pinag-usapan Sa wakas at natuloy rin ang lakad Sayang lang at hindi ako nasabihan [Pre-Chorus 1] Siguro'y masaya kayong magkakasama Sa ilalim ng araw, sa tabi ng dalampasigan Ang daming kuwentong inyong napag-usapan At mga sandaling mahirap kalimutan [Chorus 1] Sa wakas, natuloy rin tayo sa Galera Matagal na nating hinihintay ang araw Sa dami ng taon na ating pinag-usapan Pero sa huli, ako pala’y kakalimutan [verse 2] Bakit ba ako dapat manghinayang Sa isang lugar na di pa napuntahan? Ang dami ko nang napuntahang lugar Eh ang dami-dami ko nang naranasan Durian sa Davao, Mayon sa Albay Windmills sa Ilocos, White Beach sa Boracay Rafting sa CDO, pastel sa Camiguin Sa Bohol, ’dun sa pinsan n’yong tarsier Lechon sa Cebu, batchoy sa Iloilo Ulap sa Sagada, tuk-tuk sa Bangkok Mga gay sa Taipei, napuntahan ko na rin Pero sa Galera, hindi pala ako pipiliin [Pre-Chorus 2] Siguro'y masaya kayong magkakasama Sa ilalim ng araw, sa tabi ng dalampasigan Ang daming kuwentong inyong napag-usapan Mga sandaling di ko naranasan [Chorus 2] Sa wakas, natuloy rin kayo sa Galera Matagal na nating hinihintay ‘tong araw Sa dami ng taon na ating pinag-usapan Pero sa huli, ako pala’y iiwanan [Bridge] Siguro'y may dahilan ang lahat Siguro'y may nakalimutan lang Baka sa susunod, baka sa ibang araw Baka maisip n'yo rin akong isama Kapag nakikita ko ang inyong mga larawan Tignan n’yo, magkakasama kayo Tignan n’yo, napakasaya ninyo ‘jan Tignan n’yo, kaya ko rin naman yan Kapag nakikita ko ang inyong mga larawan ‘Na n’yo, magsama-sama kayo ‘Na n’yo, magpakasaya kayo riyan Ina n’yo, hindi kayo kawalan