Перейти к содержимому

Utak ng pagpupuslit sa Pilipinas ng mahigit 500 kilong shabu, natukoy na ng PDEA

Super Radyo DZBB 594khz

0:00 / 0:00

Utak ng pagpupuslit sa Pilipinas ng mahigit 500 kilong shabu, natukoy na ng PDEA

39 792 просмотра · 1 день назад
Super Radyo DZBB 594khz
163 тыс. подписчиков
39 792 просмотра · 1 день назад
Tukoy na ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang principal o utak, at iba pang sangkot sa tangkang pagpupuslit sa bansa ng mahigit 500 kilong shabu. ‘Yan ang sinabi ni Atty. Joseph Frederick Calulut, tagapagsalita ng PDEA kasunod ng pagkakaaresto sa isang Pilipino na si alias “Fajad” sa airport sa Laos. Binabantayan din ngayon ang galaw ni alias “Boyet”, na nag-arrange umano ng private jet para dalhin ang droga sa Pilipinas. Sa ngayon, nasa isang bansa sa Asya si alias “Boyet.” Pareho umanong naka-base sa Mindanao sina alyas “Fajad” at “Boyet.” Tumanggi namang pangalanan ni Calulut ang principal o utak ng grupo. Ang grupong magpupuslit sana ng droga sa bansa ay bahagi umano ng Sam Gor na mas malaking sindikato na nagma-manufacture ng droga sa Golden Triangle area, at nag-o-operate sa Asia Pacific Region. Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA News Portal: https://www.gmanetwork.com/radio/ Facebook:   / dzbb594   Twitter:   / dzbb   TikTok:   / dzbb   Instagram:   / dzbb594khz   Threads: https://www.threads.net/@dzbb594khz #SuperRadyoDZBB595khz #DZBB #BreakingNews