Перейти к содержимому

HOLY MASS TODAY HEALING LIVE MASS at Santo Padre Pio International Shrine * Oktubre 13, 2026 6AM

Catholic Mass Today Live (CMTL)

0:00 / 0:00

HOLY MASS TODAY HEALING LIVE MASS at Santo Padre Pio International Shrine * Oktubre 13, 2026 6AM

5 741 просмотр · Трансляция закончилась 5 ч назад
Catholic Mass Today Live (CMTL)
173 тыс. подписчиков
5 741 просмотр · Трансляция закончилась 5 ч назад
FILIPINO CATHOLIC MASS TODAY LIVE HEALING MASS (I|) October 13, 2026 MARTES ng Ika-28 Linggo sa KARANIWANG PANAHON (II) BANAL NA MISA. Online Mass | UNANG PAGBASA Galacia 5, 1-6 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia Mga kapatid, pinalaya tayo ni Kristo upang manatiling malaya. Magpakatatag nga kayo, at huwag nang paaalipin uli! Akong si Pablo ang nagsasabi sa inyo: kapag napatuli kayo, pinawawalang-kabuluhan ninyo si Kristo. Sinasabi ko sa inyo at sa sinumang napatutuli: kailangang sundin niya ang buong Kautusan. Ang nagsisikap na maging matuwid sa paningin ng Diyos sa pamamagitan ng pagtupad sa Kautusan ay napahiwalay na kay Kristo at wala nang karapatan sa habag ng Diyos. Ngunit umaasa kami na sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos ay aariin kaming matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya. Sa mga nakipag-isa kay Kristo Hesus, wala nang halaga ang pagtutuli o di pagtutuli. Ang mahalaga’y ang pananampalatayang nakikita sa gawang udyok ng pag-ibig. Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 118, 41. 43. 44. 45. 47. 48 Ipahayag mo sa akin ang pag-ibig mong magiliw. Ang dakilang pag-ibig mo sa akin ay ipahayag, at ayon sa pangako mo, Poon, ako ay iligtas. Ipahayag mo sa akin ang pag-ibig mong magiliw. Tulungan mong ihayag ko yaong tunay na balita, yamang sa ‘yong kahatulan lubos akong may tiwala. Ipahayag mo sa akin ang pag-ibig mong magiliw. Lagi akong tatalima sa bigay mong kautusan, susundin ko ang utos mo habang ako’y nabubuhay. Ipahayag mo sa akin ang pag-ibig mong magiliw. Ako nama’y mamumuhay nang payapa at malaya, yamang ako sa utos mo’y sumusunod namang kusa. Ipahayag mo sa akin ang pag-ibig mong magiliw. Sa pagsunod sa utos mo nalulugod akong labis, di masayod ang galak ko, pagkat aking iniibig. Ipahayag mo sa akin ang pag-ibig mong magiliw. Mahal ko ang iyong utos, yao’y aking igagalang. Sa aral mo at tuntunin ako’y magbubulay-bulay. Ipahayag mo sa akin ang pag-ibig mong magiliw. ALELUYA Hebreo 4, 12 Aleluya! Aleluya! Buhay ang salita ng D’yos, ganap nitong natatalos tanang ating niloloob. Aleluya! Aleluya! MABUTING BALITA Lucas 11, 37-41 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas Noong panahong iyon, pagkatapos magsalita ni Hesus, siya’y inanyayahan ng isang Pariseo upang kumain, kaya’t pumunta siya sa bahay nito. Pagdulog sa hapag, nagtaka ang Pariseo nang makita niyang kumain si Hesus nang hindi muna naghugas ng kamay. Sinabi sa kanya ng Panginoon, “Kayong mga Pariseo, hinuhugasan ninyo ang labas ng tasa at ng pinggan, ngunit ang loob ninyo’y punong-puno ng kasakiman at kasamaan. Mga hangal! Hindi ba’t ang may likha ng labas ang siya ring may likha ng loob? Ngunit ipamahagi muna ninyo sa mga dukha ang mga laman ng mga sisidlan at magiging malinis ang lahat ng bagay para sa inyo.” Ang Mabuting Balita ng Panginoon. #onlinemass #livestreammass #padrepiomass #FilipinoLiveMass Roman Catholic Archdiocese of Lipa (RCAL) International Shrine of Saint Padre Pio - Batangas