Перейти к содержимому

HOLY MASS TODAY HEALING LIVE MASS at Santo Padre Pio International Shrine ° Agosto 3, 2026 6AM

Catholic Mass Today Live (CMTL)

0:00 / 0:00

HOLY MASS TODAY HEALING LIVE MASS at Santo Padre Pio International Shrine ° Agosto 3, 2026 6AM

8 528 просмотров · Трансляция закончилась 1 месяц назад
Catholic Mass Today Live (CMTL)
171 тыс. подписчиков
8 528 просмотров · Трансляция закончилась 1 месяц назад
FILIPINO CATHOLIC MASS TODAY LIVE HEALING MASS (I|) August 03, 2026 LUNES ng Ika-18 Linggo sa KARANIWANG PANAHON (II) BANAL NA MISA. Online Mass | UNANG PAGBASA Jeremias 28, 1-17 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias Nang taon ding iyon, nang ikalimang buwan ng ikaapat na taon ng paghahari ni Sedequias sa Juda, si Jeremias ay kinausap ni Ananias, anak ni Propeta Azur ng Gabaon. Sila noo’y nasa patyo ng Templo. Sa harapan ng mga saserdote at ng mga tao, ang sabi ni Ananias: “Ito ang sabi ng Panginoon, ang Diyos ng Israel: Winakasan ko na ang kapangyarihan ng hari sa Babilonia. Sa loob ng dalawang taon ay ibabalik ko sa Templong ito ang lahat ng kagamitan na kinuha ni Haring Nabucodnosor at dinala sa Babilonia. Ibabalik ko rin dito si Jeconias, anak ni Haring Joaquiam ng Juda, at ang lahat ng bihag na taga-Juda na dinala sa Babilonia; aalisin ko na kayo sa ilalim ng kapangyarihan ng Babilonia.” Sinabi naman ni Propeta Jeremias kay Propeta Ananias nang naririnig ng mga saserdote at lahat ng naroon sa patyo ng Templo, “Amen! Ganyan nga sana ang gawin ng Panginoon! Magkatotoo nawa ang ipinahayag mo. Mapabalik sana rito mula sa Babilonia ang lahat ng kagamitan ng Templo, at ang lahat ng dinala roong bihag! Ngunit pakinggan ninyo ang sasabihin ko sa inyong lahat. Ang mga propetang nauna sa atin ay nagpahayag na magkakaroon ng digmaan, taggutom at salot sa maraming bansa at tanyag na mga kaharian. Kung magkatotoo ang pahayag ng isang propeta na iiral ang kapayapaan, saka lamang natin malalamang ang Panginoon nga ang nagsugo sa kanya.” Pagkarinig niyon, kinuha ni Propeta Ananias ang pamatok na nasa batok ni Jeremias at binali. Pagkatapos, sinabi niya sa lahat ng naroroon: “Sinasabi ng Panginoon na ganito ang gagawin niya sa mga pamatok na inilagay ni Haring Nabucodnosor sa lahat ng bansa, at ito’y gagawin niya sa loob ng dalawang taon.” At umalis si Propeta Jeremias. Pagkalipas ng kaunting panahon mula nang baliin ni Propeta Ananias ang pamatok ni Propeta Jeremias, kinausap ng Panginoon si Jeremias: “Pumunta ka kay Ananias at sabihin mo: Nawasak mo nga ang pamatok na kahoy ngunit papalitan ko ng bakal. Lalagyan ko ng pamatok na bakal ang lahat ng bansang ito upang sila’y maglingkod kay Nabucodnosor, at magkakagayon nga; siya’y paglilingkuran nila, sapagkat ipinailalim ko sa kanya pati ang mga hayop sa parang.” At sinabi pa ni Propeta Jeremias, “Ananias, hindi ka sinugo ng Panginoon, at pinapaniwala mo sa isang kabulaanan ang mga taong ito. Kaya’t ang sabi ng Panginoon: ‘Ikaw ay mawawala sa daigdig na ito. Mamamatay ka sa taon ding ito, sapagkat tinuruan mo ang bayan na maghimagsik laban sa Panginoon!” At nang ikapitong buwan nga ng taong iyon, si Propeta Ananias ay namatay. Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 118, 29. 43. 79. 80. 95. 102 Poon, ituro mo sa ‘kin ang utos mo upang sundin. ALELUYA Juan 1, 49b Aleluya! Aleluya! Guro, Anak na butihin ng D’yos Amang masintahin, Ika’y Hari ng Israel. Aleluya! Aleluya! MABUTING BALITA Mateo 14, 22-36 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo Matapos mabusog ang mga tao, agad pinasakay ni Hesus sa bangka ang kanyang mga alagad at pinauna sa kabilang ibayo samantalang pinauuwi niya ang mga tao. Pagkaalis ng mga ito, umahon siya sa burol upang manalangin. Nag-iisa siyang inabot doon ng gabi. Samantala, nasa laot na noon ang bangka at sinasalpok ng mga alon sapagkat pasalungat sa hangin. At nang madaling araw na’y sumunod sa kanila si Hesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig. Kinilabutan sa takot ang mga alagad nang makita nilang may lumalakad sa ibabaw ng tubig. “Multo!” sigaw nila. Ngunit agad siyang nagsalita at sinabi sa kanila, “Huwag kayong matakot; si Hesus ito!” At nagsalita si Pedro, “Panginoon, kung talagang kayo iyan, papariyanin ninyo ako sa ibabaw ng tubig.” Sumagot siya, “Halika.” Kaya’t lumunsad si Pedro sa bangka at lumakad sa ibabaw ng tubig, palapit kay Hesus. Ngunit nang mapansin niya ang hangin, siya’y natakot at nagsimulang lumubog. “Sagipin ninyo ako, Panginoon!” sigaw niya. Agad siyang inabot ni Hesus. “Napakaliit ng iyong pananalig!” sabi niya kay Pedro. “Bakit ka nag-alinlangan?” Pagkasakay nila sa bangka, tumigil ang hangin. At sinamba siya ng mga nasa bangka. “Tunay na kayo ang Anak ng Diyos!” sabi nila. Tumawid sila ng lawa, at dumaong sa Genesaret. Nakilala si Hesus ng mga tagaroon. Agad nilang ipinamalita sa buong palibot ng lupaing iyon ang pagdating ni Hesus, kaya’t dinala nila sa kanya ang lahat ng maysakit. Hiniling nila sa kanya na ipahipo man lamang sa mga maysakit kahit ang laylayan ng kanyang kasuutan. At lahat ng makahipo nito ay gumagaling. Ang Mabuting Balita ng Panginoon. #onlinemass #livestreammass #padrepiomass #FilipinoLiveMass Roman Catholic Archdiocese of Lipa (RCAL) International Shrine of Saint Padre Pio - Batangas