It’s Showtime October 14, 2026 | Full Episode
ABS-CBN It's Showtime
0:00 / 0:00
It’s Showtime October 14, 2026 | Full Episode
15 916 просмотров · 8 часов назад
ABS-CBN It's Showtime
2,87 млн подписчиков
15 916 просмотров · 8 часов назад
Feel na feel ang love ng foreign boy band A1 para sa Pilipinas as they dedicate a song for their Filipino fans. And if you need more proof ng kanilang pagmamahal sa Pinas, aba, sumabak lang naman sila sa “Meme” dance challenge!
Mamahalin mo talaga ang quadro ng “It’s Showtime”—Vice Ganda, Vhong Navarro, Jhong Hilario, at Anne Curtis. Present ang Dyosa kaya walang makakatakas sa bardagulan… na may kaunting parinigan! Sabi nga nila, ang sakit ng kalingkingan dama ng buong katawan. Ganyan din sa sa samahan ng “Showtime” fam!
At para full of positivity, umiwas muna sa mga taong puro nega ang sinasabi. Hirit nga ni Meme, umiiwas na siya sa social media kung saan laganap ang toxicity. Ikaw, kaya mo bang i-give up ang social media?
Nakakagaan sa feeling ang kulitan ng hosts at Miss Q and A candidates Gabriela Due Vall, Barbie Suarez Mesa, at Monina San Miguel.
Ang ladies, nag-warm up muna sa isang kuwentuhan bago sumalang sa Tumpak Ganern round. Si Barbie, medyo kinulang sa energy at maagang umuwi. Sina Gabriela at Monina naman ang nagtuloy-tuloy sa Wit Lang, kung saan umangat ang witty atalinaw na talak ni Gabriela, dahilan upang siya ang koronahan bilang Miss Q and A Reyna Talak-Era of the day.
Sino naman sa Showtime hosts ang dapat koronahan sa pa-havey-han ng jokes? Ang escorts ba na sina Ion Perez at Ryan Bang? O si Brent Manalo na on the spot kung mag-search ng jokes na para bang may pinaglalabanang papremyo?
Mas malalasahan ang swerte kung ito ay baked with love at sipag. Budburan ng matamis na pananampalataya at positive thinking, aalsa ‘yan hanggang sa pwede nang lasapin. Mga nagtitinda sa bakery ang bumida sa Laro Laro Pick game arena.
Hindi man nakuha ang perfect recipe noong una, pero sa pangalawang pagkakataon ay tamang-tama ang timpla ng laro ni Bhern, na umabante sa jackpot round. Para sa mahal na ama, pinili niya ang P25,000 Li-Pot offer sa kabila ng pangungumbinsi ng anak, at maging ni Vice Ganda. Sayang nga lang dahil alam niya ang taamg sagot sa P150k POT question.
#YoohooShowtime
#ItsShowtimeFullEpisode
#ABSCBNEntertainment