Smash 115 Fast charging/HL Led(battery operated)modification
444 Trading
0:00 / 0:00
Smash 115 Fast charging/HL Led(battery operated)modification
13 801 просмотр · 5 л. назад
444 Trading
841 подписчик
13 801 просмотр · 5 л. назад
Good morning guys, pasensya na po kayo kung hindi well edited yung vlog, biglaan kasi dahil nakakalas na yung motor, sana may pulot kayong idea sa mga low battery problem ng motor nyo na madalas kong makita sa post. Sa video na ito ituturo ko sa inyo yung mura at safe na paraan para palakasin ng 30-45 percent yung stock chraging system ng motor natin compare sa stock na napaka bagal na kung saan napagkakamalan ng iba na sira ang rectifier nila at nahikayat ng mga nag-aalok ng fullwave modifications online na sobrang mahal ng labor at walang warranty ang mga gawa pag naging palpak ang ginawang modification.Sa modification ng videong ito, wala tayong aalisin o papalitan na stock rectifier na pina palitan ng 5 pin(gy6) na gawang china at madalas din pumutok at masira ulit, hindi kailangan buksan ang stock stator na kung saan nagiging dahilan ng mabilis na pagkasunog ng magnet wire at coils sa loob ng stator ng motor natin. Yung yellow wire na pinutol natin sa video ay direktang wire galing sa stator(AC source)papuntang headlight,taillight at front panel bulbs ng motor nation kaya kung mapapansin nyo na lumiliwanag ang HL natin pag pinipiga natin ang gas accelerator.Yung yellow wire na pinutol natin sa gitnang bahagi ng motor ang direktang naka connect sa stator at ang yellow wire naman malapit sa rectifier ay papunta direkta sa headlights na ikononekta natin sa Ignition switch o susian ng motor directa naman sa battery ng motor natin upang maging battery operated ang ating headlight. Malalaman nating tama ang ginawa natin kung pag switch on natin ng susian ay bumubukas ang Headlight natin habang patay pa ang makina pati ang front panel lights at tail lights natin. Sa procedure na ito, binabawasan natin ang load ng stator na nagiging dahilan naman para mas maging stable ang charging current pa pumupunta sa CDI at charging voltage at current ng motor natin. Itong bagay na ito ang madalas hindi ipinaliliwanag sa mga comment section ng mga Smash group at sinisiraan ng mga fullwaver na nakasasama daw sa motor. 5 years na po akong shop owner at 5 years na ring ganito ang wiring ng mga motor ko at Mio Sporty ang kasama kong mekaniko sa shop pero never kaming nasiraan ng stock rectifier, stator or na lowbatt ang battery na umaabot ng 1 1/2 to 2 1/2 years bago magpalit ng branded na battery. Sa mga naninira sa pag Fast charge ng Smash, isa lang masasabi ko, mas marami akong ibinalik sa stock na galing sa palpak na Fullwave, isa na yung motor na bayaw ko, nabili woth 15,000 na Smash pero naka fullwave pero napaka baboy ng pagkaka wiring nung fullwaver, ibinalik ko sa stock na regulator para lang umayos ang charging at maging mas stable.
Shopee LINK:
1. https://shopee.ph/shop/333416264/
2. https://shopee.ph/shop/615653789/
3. https://shopee.ph/shop/593052375/