Перейти к содержимому

Ang Buhay ni Joey Albert Biography of Joey ALbert

Persona Files

0:00 / 0:00

Ang Buhay ni Joey Albert Biography of Joey ALbert

2 346 просмотров · 3 г. назад
Persona Files
112 тыс. подписчиков
2 346 просмотров · 3 г. назад
Ang Buhay ni Joey Albert Biography of Joey ALbert -Ang pangalang joey albert ay isa sa mga sikat na mahusay na mang-aawit, at artista noong dekada otsenta at nobenta. Sa video na ito, atin siyang kukumusta'hin at sandaling balikan ang kanyang prime days sa entertainment'industry. Si joey albert ay ipinanganak noong March 19, 1960 sa pangalang Maria Josefina Albert. kung hindi kami nagkakamali, sinimulan niya ang kanyang karera sa showbiz noon pang 1981. Noong 1982, siya ay nanalo bilang grand winner ng Dream Girl Filipina contest, sa programang The Party isang musical vareity program, na pinangungunahan ng host na si Ariel Ureta. hindi naman ito maipagtataka, dahil hindi lamang ganda ng boses mayroon si joey, kundi magandang mukha at talagang artistahin naman noong una pa lang. mula rito ay naging miyembro na siya ng The New Minstrels (3rd Generation), ang sikat na Philippine show band noong 1970s at 1980s. Sa puntong ito ay lalong nakilala ang pangalan ni joey sa showbiz, sa katunayan, nakipagcollaborate na siya sa mga kilalang singers noon na apo hiking society, jose mari chan, the company, basil valdez at marami pang iba. nakapagperform din siya sa ibat ibang bansa tulad ng canada, indonesia, malaysia, at united states of america. ilan sa mga unang pinasikat niyang kanta ay ang Tell Me, over and over, at ang duet nila ni pops fernandez na points of view. isa rin sa mga paborito ng kanyang mga tagahanga ang awiting i remember the boy na ni-record niya noong nineteen eighty five na kinompose ni jose mari chan. Bukod sa pagkanta, nagkaroon rin ng offer si joey na gumawa ng pelikula, at ito ay kanya namang pinagbigyan. noong 1984, ginawa niya ang pelikulang Naku Ha, na pinagbidahan nina tito vic at joey. nasundan naman ito ng pelikulang ready aim fire na ipinalabas naman noong 1987. Samantala, sa gitna naman ng kanyang kasikatan ay nagsimulang bumuo ng pamilya si joey. sa edad na 28, siya ay ikinasal kay Vicente Pacis the third noong nineteen eighty nine at nabiyayaan sila ng dalawang anak. bagaman maganda ang naging karera ni joey, maraming pagsubok naman ang dumating sa kanyang buhay, lalo na nang magkaroon siya ng mga malulubhang sakit. pero sa biyaya ng Panginoon, napagtagumpayan niya ang cervical cancer noong nineteen ninety five, at colon cancer noong two thousand and five. isang surgery naman ang kanyang kinaharap matapos mapag-alaman ng kanyang mga doktor na muling bumalik ang kanyang cancer noong 2015. mabuti na lamang at matapos ang kanyang surgery, siya ay gumaling. Sa ngayon si joey ay aktibo sa kanyang social media account lalo na sa kanyang youtube channel, kung saan siya ay tumatanggap ng song request mula sa kanyang mga tagahanga at ito ay kanyang inaawit. Kung gusto niyong bisitahin ang kanyang channel, tingnan lamang ang link na nasa description box ng video na ito. Joey Albert's YT: https://www.youtube.com/@DearJoeyAlbe...