DENNIS TRILLO, BEAST MODE! “MGA #8080!” BANAT SA CHIKA CART HOSTS!
ARTISTA PH
0:00 / 0:00
DENNIS TRILLO, BEAST MODE! “MGA #8080!” BANAT SA CHIKA CART HOSTS!
2 629 просмотров · 9 часов назад
ARTISTA PH
223 тыс. подписчиков
2 629 просмотров · 9 часов назад
DENNIS TRILLO, BEAST MODE! “MGA #8080!” BANAT SA CHIKA CART HOSTS!
Anong ganap sa mundo ng showbiz
Hindi na napigilan ni Dennis Trillo ang kanyang inis matapos mapanood ang naging pahayag ni Gelli de Belen tungkol sa kontrobersiya nina Patrick Garcia at Jennylyn Mercado.
Sa guesting ni Gelli sa bagong GTV show na “Chika Cart,” sinabi niyang hindi na sana kailangang lumaki pa ang issue at dapat unahin ang mga batang nadadamay. Ayon sa kanya, hindi niya alam ang pinagdadaanan ni Patrick at hindi rin niya masasabing tama o mali ang naging desisyon nito na magsalita.
Pero tila hindi nagustuhan ni Dennis ang naging pahayag ni Gelli. Sa comment section ng post ng “Chika Cart,” diretsahan niyang sinabi:
“Nananahimik kami… lahat ’yan ay natural na reaksyon ng matinong TAO! Pasalamat kayo, dinaan ko na lang sa ganyan. Oo, kawawa talaga ang mga bata, may mga anak din kami! Sisihin mo yung nagsimula ng gulo!”
Hindi rin doon nagtapos ang banat ni Dennis. Tila pinagdudahan din niya kung patas ba ang naging talakayan sa programa.
“Ako lang ba o parang may kinakampihan ang mga magagaling na ito? Congrats sa new show sa GTV!!!! Bagay na bagay kayo jan.”
Sinundan pa niya ito ng mas matapang na banat: “Agree lang ng agree ang mga #8080.”
Dahil dito, lalo tuloy uminit ang usapan online. May mga sumang-ayon kay Dennis, habang mayroon ding nagsabing opinyon lamang ni Gelli ang kanyang ipinahayag at malinaw naman na sinabi nitong hindi niya alam ang buong pinagdadaanan ng magkabilang panig.
Pero ngayong pinag-uusapan na ang naging palitan, naglabas na rin ng official statement ang Chika Cart.
Sa kanilang pahayag, sinabi ng programa na naiintindihan nila na iba-iba ang naging reaksiyon ng publiko sa kanilang naging discussion.
Ayon sa Chika Cart, ang mga pananaw na ibinahagi sa programa ay personal opinions lamang bilang bahagi ng isang open discussion, at wala silang intensiyong kumampi o mang-disrespect sa sinumang sangkot sa isyu.
Hiniling din nila sa publiko na panatilihing maayos at respetado ang usapan at piliin ang pagiging mabait, lalo na dahil mga pamilya ang involved.
Pero ang tanong ng mga Marites: patas lang ba talaga ang naging opinyon ng “Chika Cart,” o may punto si Dennis na parang may kinakampihan ang programa?
Dennis Trillo, Gelli de Belen, Chika Kart, Chika Cart, Dennis Trillo 8080, Dennis Trillo beast mode, Dennis Trillo latest news, Dennis Trillo issue, Patrick Garcia Jennylyn Mercado, Pinoy showbiz, showbiz chika, celebrity issue Philippines, trending showbiz Philippines, Kapuso star
***
ARTISTA PH,
ANONG GANAP,
ANONG GANAP SA MUNDO NG SHOWBIZ
***
All videos and photos used in this video are believed to fall under fair use for the purposes of criticism, comment, and news reporting. No copyright infringement is intended. If you are the copyright holder of any material and do not wish for it to appear in this video, please contact me and I will remove it promptly.
***
ARTISTA PH is accepting paid promotions. For inquiries, please message our page or e-mail us at artistaph.official@gmail.com