Перейти к содержимому

Mula Bangsamoro Transition Authority Tungo sa Regular Parliament | The Bangsamoro Lens S2 EP. 5

Kalinaw Collective Media Network

0:00 / 0:00

Mula Bangsamoro Transition Authority Tungo sa Regular Parliament | The Bangsamoro Lens S2 EP. 5

353 просмотра · 2 недели назад
Kalinaw Collective Media Network
375 подписчиков
353 просмотра · 2 недели назад
Mula sa ilang taong transition, papunta na ang Bangsamoro sa isang bagong yugto—ang pagkakaroon ng unang regular na halal na Parliament. Sa episode na ito ng The Bangsamoro Lens, makakasama nina Atty. Alex Abaton at Nords Maguindanao si Atty. Maisara C. Dandamun-Latiph, dating miyembro ng BTA Parliament at Bangsamoro Transition Commission, upang balikan ang naging paglalakbay ng Bangsamoro Transition Authority at ang mga hakbang na inilatag nito tungo sa parliamentary government. Pag-uusapan ang mahahalagang batas at institusyong nabuo sa panahon ng transition, pati na ang mga hamon, kompromiso, at mga usaping hindi pa natatapos. Habang papalapit ang BPE 2026, isang mahalagang tanong ang haharapin: handa na ba ang mga institusyong itinayo sa panahon ng transition para sa bagong hamon ng electoral politics? At higit sa lahat, ano ang dapat asahan ng Bangsamoro sa pagdating ng regular Parliament? Isang napapanahong pag-uusap tungkol sa legacy ng BTA, mga hamon ng transition, at sa susunod na kabanata ng parliamentary governance sa Bangsamoro. #TheBangsamoroLens #BPE2026 #BARMM #Bangsamoro #BTA #BangsamoroParliament #BangsamoroTransition