Philippine Coast Guard nakiisa sa simultaneous Blowing of Ships’ Horns na isinagawa sa buong bansa.
Philippine Coast Guard
0:00 / 0:00
Philippine Coast Guard nakiisa sa simultaneous Blowing of Ships’ Horns na isinagawa sa buong bansa.
857 просмотров · 2 месяца назад
Philippine Coast Guard
21,6 тыс. подписчиков
857 просмотров · 2 месяца назад
𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍: Nakiisa ang Philippine Coast Guard (PCG) sa simultaneous Blowing of Ships’ Horns na isinagawa sa buong bansa na ginanap sa Coast Guard Fleet, Pier 13, Port Area, Manila, noong ika-12 ng Hulyo 2026.
Sa ilalim ng temang "Tunog ng Karagatan," sabayang pinatunog nang sampung beses ang mga busina ng mga barko sa loob ng isang minuto bilang paggunita sa ika-10 anibersaryo ng makasaysayang arbitral award. Ang seremonyang ito ay nagsilbing makabuluhang pagpapakita ng pagkakaisa at suporta ng maritime community sa pagtataguyod ng mga karapatan, soberanya, at pambansang interes ng Pilipinas sa karagatan.
Nakiisa sa sabayang pagpapatunog ng mga busina ang lahat ng barko ng PCG sa buong bansa, mga commercial at fishing vessels, mga ahensya ng pamahalaan, institusyong akademiko, sektor ng turismo, pribadong industriya ng maritima, at lahat ng sasakyang pandagat na may bandilang Pilipino.
Ang malawak na partisipasyon ng iba't ibang sektor ay sumasalamin sa kolektibong paninindigan ng bansa sa pangangalaga sa ating mga karagatan at sa patuloy na pagsusulong ng isang malaya, ligtas, at matatag na maritime domain na nakabatay sa pandaigdigang batas.
#DOTrPH🇵🇭
#CoastGuardPH
#MaritimeSectorWorks