Перейти к содержимому

Leni Robredo, 'hindi pinagdududahan,' wala raw aliases sa mga resibo — Claire Castro

Philstar News

0:00 / 0:00

Leni Robredo, 'hindi pinagdududahan,' wala raw aliases sa mga resibo — Claire Castro

14 999 просмотров · 17 часов назад
Philstar News
457 тыс. подписчиков
14 999 просмотров · 17 часов назад
#philstarnews #lenirobredo #malacanang 'ISANG TAONG MAY KREDIBILIDAD SI MAYOR LENI' Binida ng Malacañang si Naga City Mayor Leni Robredo bilang isang taong "may kredibilidad" para ipaalam sa mga mamamayan kung ano ang naitutulong ng Local Government Support Fund (LGSF) sa mga local government units, kaugnay ng P500-milyong national allocation para sa rehabilitasyon ng Jesse M. Robredo Coliseum. "Hindi matatawaran ang honesty – nagbibigay ng resibo itong si Mayor Leni Robredo sa mga bawat transaksiyon; hindi pinagdududahan, walang mga aliases na mga resibo kaya tingin natin, sa ating palagay ay isang taong may kredibilidad si Mayor Leni Robredo," ani Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing nitong Miyerkules, Sept. 23. Nauna nang nagbanta si Caloocan City 2nd District Rep. Edgar Erice na dalhin sa Supreme Court ang panukalang P58.53-bilyong LGSF at tinawag itong "presidential pork barrel." Giit naman ni Castro, "pang-intriga" lamang ang naturang pahayag ni Erice. Video by RTVM