Malacañang, hinimok na sumuko na si Bato
Philippine STAR
0:00 / 0:00
Malacañang, hinimok na sumuko na si Bato
2 247 просмотров · 14 часов назад
Philippine STAR
192 тыс. подписчиков
2 247 просмотров · 14 часов назад
Pinasusuko ng Palasyo si Senador Bato Dela Rosa upang harapin ang warrant of arrest na inilabas ng International Criminal Court laban sa kanya.
“Sumuko ka na. Sumuko ka na kasi para wala nang dugong dadanak,” saad ni Palace Press Officer Claire Castro nitong Miyerkules, October 21, 2026.
Bagama’t hindi pa maisasapubliko ang pagkakakilanlan ng grupong nagkakanlong umano sa senador, sinabi ni Castro na nakakaalarma at makokonsidera itong isyu ng national security threat.
“At the same time, dun sa mga nagkakanlong, alam po natin na dapat nating pairalin ang batas. So ‘wag kayong magsilbi na kasangkapan ng mga taong dapat na nadidinig din o mga taong napapanagot sa batas. Huwag po kayong magsilbing tulay para makaalpas ang mga masasabi nating taong may dapat na kaharapin sa mga taong kanilang ‘di umano ay nabiktima,” dagdag niya.