Перейти к содержимому

Inspection of UP Manila Modern Facilities and Equipment

Usapang Budget Natin

0:00 / 0:00

Inspection of UP Manila Modern Facilities and Equipment

8 просмотров · 12 ч назад
Usapang Budget Natin
312 подписчиков
8 просмотров · 12 ч назад
𝗟𝗜𝗕𝗥𝗘𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗜𝗧𝗜𝗢𝗡, 𝗦𝗜𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗣𝗔 𝗟𝗔𝗡𝗚. 𝗗𝗘𝗞𝗔𝗟𝗜𝗗𝗔𝗗 𝗡𝗔 𝗘𝗗𝗨𝗞𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡, 𝗗𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗛𝗔𝗧! 🎓🩺🇵🇭 Malaking tulong sa mga pamilyang Pilipino ang libreng tuition. Pero hindi sapat na mabigyan lamang ng pagkakataong makapasok sa unibersidad ang ating mga kabataan. Dapat may pagkakataon din silang matuto nang mahusay, magsanay gamit ang makabagong kagamitan, at maabot ang kanilang buong potensyal. Ito ang binigyang-diin sa pagbisita ni Department of Budget and Management (DBM) Acting Secretary Kim Robert C. De Leon sa University of the Philippines Manila, kung saan tampok ang mga modernong laboratoryo at training facilities na tumutulong sa mga future doctor at nurse na mahasa ang kanilang kakayahan bago humawak ng aktuwal na mga pasyente. Pero hindi lang mga gusali at kagamitan ang dapat paglaanan ng suporta. Mahalaga ring alagaan ang mga taong nasa likod ng dekalidad na edukasyon—ang ating mga guro, researcher, healthcare professional, at university personnel. Kaya sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., patuloy na isinusulong ang pamumuhunan sa mga pasilidad at sa mga taong humuhubog sa kinabukasan ng ating kabataan. Kabilang dito ang pagkilala sa eligibility ng UP Manila para sa FY 2024 Performance-Based Bonus (PBB) at ang pag-apruba ng DBM sa conversion ng 184 part-time positions into full-time positions. Dahil kapag mas mahusay ang paghahanda sa ating mga estudyante at mas matibay ang suporta sa kanilang mga guro at kawani, mas napapalakas din ang kalidad ng edukasyon. At ang tunay na makikinabang? Hindi lamang ang mga estudyanteng magtatapos, kundi ang mga pamilyang Pilipinong kanilang paglilingkuran balang araw. 𝗙𝗥𝗘𝗘 𝗧𝗨𝗜𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗢𝗣𝗘𝗡𝗦 𝗧𝗛𝗘 𝗗𝗢𝗢𝗥. 𝗤𝗨𝗔𝗟𝗜𝗧𝗬 𝗘𝗗𝗨𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗢𝗣𝗘𝗡𝗦 𝗧𝗛𝗘 𝗙𝗨𝗧𝗨𝗥𝗘. 🇵🇭 #DBMatWork #BudgetNaTapat #Education