BABAE, TATLONG TAON NANG HINDI INUUWIAN NG LIVE-IN PARTNER, PAGBALIK NITO AY PARANG IBANG TAO NA...
Dear Amihan Stories
0:00 / 0:00
BABAE, TATLONG TAON NANG HINDI INUUWIAN NG LIVE-IN PARTNER, PAGBALIK NITO AY PARANG IBANG TAO NA...
18 046 просмотров · 3 дня назад
Dear Amihan Stories
56,9 тыс. подписчиков
18 046 просмотров · 3 дня назад
Tagalog Love Story | My Brother’s Wife | BABAE, TATLONG TAON NANG HINDI INUUWIAN NG LIVE-IN PARTNER, PAGBALIK NITO AY PARANG IBANG TAO NA... | Inspirational Love Story Kilig Love Story Tagalog Romance
Written by: Jazmin Jayle
Narrated by: Miss JeyEy
Revised and rearranged by: Andrea Gale
“Papa?!” gulat na sambit ng isang batang babae, na sa tantiya niya ay pitong taong gulang na. “Mama! Mama! Halika rito! Nandito si Papa! Umuwi na siya!”
Maging siya ay nagulat din at hindi inasahang gano’n ang sasalubong sa kanya. Hanggang sa lumapit na rin ang isang matangkad na babae at pinakatitigan siya nito. Ito si Agnes, ang asawa ng kapatid niya.
“Ano’ng ginagawa mo rito?! Ba’t bumalik ka pa?! Tatlong taon kang nawala at sa loob ng mga panahong ’yon ay hindi ka man lang nagparamdam sa amin ni Hazel! Akala ko nga ay patay ka na, eh!” kalaunan ay sabi nito, may bahid iyon ng hinanakit. Mukhang may problema ang relasyon nito at ng kapatid niya sa nagdaang tatlong taon. Kaya siguradong mahihirapan siya kapag nagpanggap din siya sa mga ito.
Naisip niya na sabihin na lang ang totoo, kaya lang ay naawa naman siya sa bata, na biglang na-excite matapos na makita siya. Siguradong malulungkot ito kapag binigla niya.
“Pumasok ka na po, Papa! Huwag mo na pong intindihin si Mama at nagtatampo lang po ’yan sa ’yo.” Hinawakan na ng bata ang kamay niya at inakay siya papasok sa bahay. Samantalang ang ina naman nito ay tinalikuran siya at dumiretso sa kusina.
“Ipasok mo na po sa kuwarto ang mga gamit mo,” pagpapatuloy ni Hazel nang mapansin nitong inilapag niya lang sa sala ang dala niyang mga gamit.
Naglakad naman siya at tiningnan kung ilan ang kuwarto roon. Dalawa lang ang kanyang nakita at doon siya pumasok sa kuwartong sa tingin niya ay kay Hazel.
“Huwag po riyan, Papa! Kuwarto ko ’yan, eh! Doon ka po sa kuwarto ni Mama!” pigil sa kanya ng bata. Pagkatapos ay muli nitong hinawakan ang kamay niya at inakay siya patungo sa kabilang kuwarto.
“Mukhang galit sa akin ang mama mo, eh. Okay lang ba talaga kung dito ako—” nag-aalangan pang sambit niya.
“Okay lang po ’yon, Papa. Nagtatampo lang naman po sa ’yo si Mama, eh. Pero kagaya ko po ay matagal na rin siyang naghihintay sa ’yo.”
Tumango-tango lang siya bilang tugon habang inililibot ang mga mata sa kabuuan ng kuwarto ng mama nito. Pagkatapos ay kinuha na ng bata ang mga gamit niya at nagulat siya nang bigla itong yumakap sa kanya.
-----
Thank you for choosing to listen to Dear Amihan Stories. It's always a pleasure to have you here. This story has been crafted exclusively for Dear Amihan Stories, and I hope you enjoy every bit of it.
Please engage with the post by liking, sharing, and commenting. Your engagement is highly valued. Feel free to join the conversation and let me know your thoughts. I'll do my best to reply to every comment. Thank you for your support!
Welcome to Dear Amihan Stories, where our stories are crafted with love and effort to inspire and bring happiness to your life. Through relatable characters and events, we hope to ignite your imagination and leave you feeling inspired. Thank you for joining us on this journey!
DISCLAIMER:
This story is a work of fiction. Any resemblance to actual persons, events, or locations is purely coincidental.
The audiobook version—including its script, narration, and visual presentation—is an exclusive production of Dear Amihan Stories. This content is protected under copyright laws. Unauthorized copying, re-uploading, or reuse is prohibited without prior written permission.
***This story is human-created. The visuals are digitally generated with creative human direction and are used for illustrative purposes only.
© 2026 Dear Amihan Stories. All rights reserved.
RELATED KEYWORD
kwentong pag ibig true story
kwentong pag ibig true story papa dudut
kwentong pag ibig radio
pinoy classic radio drama
drama sa radyo love story
kwento ng pagmamahalan
tagalog love story
pinoy love story
true to life story
pinoy love story radio
pinoy drama
pinoy drama stories
love story tagalog
tagalog amazing stories
tagalog inspirational stories
lihim na kwento
tagalog audiobooks
love story full story tagalog
full story tagalog
kwentong bayan
kwentong nakaka
kwentong ng buhay
kwentong ng buhay at pag-ibig
true story drama
tagalog true story drama
Credit and thanks to
Keys of Moon Music | One Love by Serjo De Lua - / keysofmoon
His beautiful music is created under CC License