Перейти к содержимому

Panalangin para sa mga Taong Nakasakit sa Akin • Tagalog Prayer for Those Who Have Hurt Me

Awit at Papuri Communications

0:00 / 0:00

Panalangin para sa mga Taong Nakasakit sa Akin • Tagalog Prayer for Those Who Have Hurt Me

92 651 просмотр · 6 л. назад
Awit at Papuri Communications
741 тыс. подписчиков
92 651 просмотр · 6 л. назад
PANALANGIN PARA SA MGA TAONG NAKASAKIT SA AKIN with Voice Tagalog Prayer for Those Who Have Hurt Me (Audio Prayer) PANALANGIN PARA SA MGA TAONG NAKASAKIT SA AKIN Mahal kong Jesus, nagsusumamo ako sa kaamuan at pag-ibig ng iyong Kabanal-banalang Puso na igawad mo ang iyong napakahahalagang biyaya sa mga taong nakapagdulot sa akin ng sakit ng kalooban. Patawarin mo sila, Panginoon, kung sakaling nagkasala sila sa iyo; o kung nagpakita man sila ng pag-ayaw sa akin, ipakita mo sa kanila ang iyong mapagmahal na mukha. Pagkalooban mo sila, Panginoon, ng iyong pagbabasbas, kapalit ng mga salitang binitiwan nila laban sa akin, kung nakaharap ako o nakatalikod man; at kung mayroong naghihinanakit sa akin, sa anumang dahilan, ibuhos mo sa kanila ang iyong banal na pag-ibig. Upang maging kalugud-lugod ako sa iyong Banal na Puso habang pinapasan ko ang aking mga krus, pagkalooban mo ako ng tiyaga at pagpapakumbaba, pag-ibig at matibay na pagsisigasig. Iniaalay ko sa iyo ang mga panalanging ito ng tapat na pag-ibig kasama ng lahat ng mga ligalig na maaaring ibigay ng mga taong iyon sa akin. Iniaalay ko ang mga panalanging ito para sa kanilang kaligayahan, para sa higit nilang paglago sa kalinisan, at upang maabot nila ang higit na mataas na antas na kaluwalhatian. Iniaalay ko ang mga ito kaisa ng mga pagpapakasakit ng iyong Puso at ng pag-ibig na ibinuhos at ibinubuhos mo sa lahat ng nakapagdulot ng sakit sa iyo. Jesus, tanggapin mo ang aking mga paglilingkod at sa iyong walang hanggang awa ay kahabagan ako. Jesus, bigyan mo ako ng katiwasayan ng pag-iisip upang tanggapin ang mga bagay na hindi ko na maaaring baguhin; ng tapang ng loob upang baguhin ang mga bagay na maaari ko pang baguhin; at ng katalinuhan ng pag-iisip upang mabatid ko ang pagkakaiba nito. Amen. 🙏🏼 Prayer Requests and Special Intentions: https://www.awitatpapuri.com/prayerre... 💌 Donations and Love Offerings: http://awitatpapuri.com/donatenow 🔔 Please LIKE, SUBSCRIBE, and SHARE. 📄 Website: http://tagalog.awitatpapuri.com • http://www.awitatpapuri.com Awit at Papuri Communications Tagalog Catholic Mass Readings • Tagalog Gospel Reading 🌍 Web: http://www.awitatpapuri.com 🖥 Facebook:   / awitatpapuri   Awit at Papuri Communications is a Philippine-based Catholic new media organization sailing on the digital sea and giving soul to the Internet by making Jesus Christ and His Good News known to Filipinos all over the world. Subscribe to our channel for Tagalog Catholic Mass Readings, Prayers, Novena, Catechism and many more Catholic content! ------- Our website and our multimedia productions are made possible by donations from people like you. If you find our content useful, please help keep this ministry alive by making a donation today at https://www.paypal.me/awitatpapuri . -------- You may freely share the link to our videos and other multimedia content. But, please do not re-upload our content without our express consent. For permissions, please contact us via https://www.awitatpapuri.com/contact-us/ .