BATAS | The Linya-Linya Show Ep. 425: Bara-Bara - Libre Ang Mangarap, Pero Magastos Mabigo
Linya-Linya
0:00 / 0:00
BATAS | The Linya-Linya Show Ep. 425: Bara-Bara - Libre Ang Mangarap, Pero Magastos Mabigo
4 599 просмотров · 1 день назад
Linya-Linya
11 тыс. подписчиков
4 599 просмотров · 1 день назад
Isa sa pinakasolid na battle emcees, at isa rin sa pinakasolid kakwentuhan—ang back-to-back FlipTop Isabuhay Champion, rap artist, at content creator, mula Canada para sa inyo: BATAS!
Nag-catch up kami tungkol sa buhay niya ngayon sa Canada: mga naging trabaho, kumusta ang work ngayon, at kung paano nagbago ang pananaw niya bilang bagong erpat.
Napag-usapan din namin ang mga trip niya outside battle rap—vinyl records, collecting and listening to music, beatmaking—at kung paano niya patuloy na kino-connect ang sarili sa hip-hop kahit nasa bagong lugar, habang bina-balance ang passion, trabaho, at pamilya.
Bilang isa sa mga emcee na naabutan ang simula ng FlipTop at dumaan sa iba’t ibang era ng liga, ibinahagi rin ni Batas ang POV niya sa evolution ng battle rap, sa patuloy na paglago ng hip-hop culture at community, at kung may gutom at gigil pa ba siyang bumalik sa battle stage.
At siyempre, pinag-usapan din namin ang linyang matagal nang tumatak sa marami at ngayon ay bahagi na rin ng Linya-Linya × Batas collab:
“Libre ang mangarap. Magastos mabigo.”
Ano nga ba ang ibig sabihin nito para kay Batas ngayon?
Ito ang Bara-Bara, collab podcast ng FlipTop at Linya-Linya.
Listen up, yo!