DISCIPLES ON A MISSION | Ka-Disciples Tawid- Bus, LRT, PITX Terminal | Baclaran Church
Disciples On A Mission
0:00 / 0:00
DISCIPLES ON A MISSION | Ka-Disciples Tawid- Bus, LRT, PITX Terminal | Baclaran Church
191 просмотр · 2 недели назад
Disciples On A Mission
31 подписчик
191 просмотр · 2 недели назад
BALIK-TANAW | LRT, PITX at Baclaran Church 🙏❤️ Mula sa pagsakay sa LRT, pagdaan sa PITX, hanggang sa pagdating sa Baclaran Church, sama-sama nating binalikan ang isang espesyal na paglalakbay ng ating mga Ka-Disciples upang mapabasbasan ang ating mga imahe at Krusipiho.
Higit pa sa isang paglalakbay, naging pagkakataon ito upang maranasan natin ang tunay na pagkakaisa at magandang samahan bilang isang pamilya sa pananampalataya.
Sa bawat biyahe, kwentuhan, tawanan, pagod at panalangin, mas lalo nating naramdaman na mas magaan ang paglalakbay kapag magkakasama.
May kanya-kanya man tayong pinagdadaanan, nagiging matatag tayo dahil may mga kapatid tayong handang makiisa, tumulong at makipaglakbay kasama natin. Ang simpleng pagsasama-sama ay nagiging magandang alaala na nagpapaalala sa atin na hindi tayo nag-iisa sa ating misyon.
At sa pagdating natin sa Baclaran Church, dala natin hindi lamang ang ating mga imahe at Krusipiho kundi pati ang ating sama-samang panalangin at pananampalataya.
Isang paglalakbay na puno ng saya, pagkakaibigan, pagkakaisa at pananampalataya.
Disciples of the Blessed Virgin Mary Rosary Prayer Crusade Fellowship International
DISCIPLES ON A MISSION! 🙏❤️
#DisciplesOnAMission #DevotionWithAMission #KaDisciples #RosaryPrayer #MahalNaBirhenMaria #BaclaranChurch #UnityInFaith