Перейти к содержимому

PMPK Plus Ep. #136: “NAGLALAHONG KALIKASAN” On Environmental Issues and Pax Silica

PMPK Plus

0:00 / 0:00

PMPK Plus Ep. #136: “NAGLALAHONG KALIKASAN” On Environmental Issues and Pax Silica

128 просмотров · Трансляция закончилась 1 месяц назад
PMPK Plus
58 подписчиков
128 просмотров · Трансляция закончилась 1 месяц назад
Nang mapanuod ko ang “Ibinasurang Paraiso” ni Kara David ng GMA I-Witness Documentaries, naawa ako sa ating mga katutubong Aeta na may-ari ng ancestral land sa Sitio Tibag, Barangay Naugsol, Subic, Zambales. Sa kanila itinambak na tone toneladang basura mula sa mga karatig na bayan at lungsod ng Zambales. Nilangaw. Bumaho ang nabubulok, nagkasakit ang ilan mga matatanda at mga kabataan. Kailangan nilang umalis, lumipat, lumayo. Ang dati nilang malinis, maaliwalas at Magandang kabundukang pinagkukunan ng makakain, ng mga bungang kahoy, mga pananim at malinis na tubig inumin, nawala. Ang dating Paraiso, naging Basurahan. Naglaho ang Kalikasan. “Galapagos of Asia” ito ang tawag sa Sibuyan Island. Maraming mga halaman, mga puno, mga bulaklak at mga hayup na dito mo lamang matatagpuan. Ang mga talon, ang karagatan, ang bundok na Guiting Guiting ay ipinagmamalaki ng mga taga Sibuyan. Tahimik, Payapa. Maayos ang lahat hanggang isang araw, dumating ang mga bulldozer, ang mga heavy equipment, ang mga tauhang may dalang armas. Nabulabog. Nagkagulo. Hindi makapaniwala ang mga tagaroon, Nagprotesta. Pero may dalang dokumento ang mga dumating, ang isla na sagana sa Nickle ay miminahin. Ang kalikasang inalagaan, naglalaho. Abril ngayong taon, sumali at lumagda ang Pilipinas sa panukala ng Amerika. Magkaroon ng lugar na paglalagyan ang PAX SILICA. Tayo ang napiling bansa. Pax Silica is a U.S.-led economic and industrial initiative focused on artificial intelligence (AI), semiconductor manufacturing, and critical mineral supply chains. Kapag nagkasundo, sa loob ng siyampu at siyam na taon ay mananatili ang operation, manufacturing, distribution ng mga semi-conductors na gamit sa ating mga cellphones, robotics at AI. Ayun kay Engr. Joshua Bingcang, President at CEO ng Bases Conversion and Development Authority o BCDA 1,618 ektaryang lupa sa New Clark City,Tarlac ang sasakupin. Bahagi ng Luzon Economic Corridor. Magpapaunlad, magbibigay ng maraming trabaho at magiging bahagi na tayo sa Global Technology Value chain gaya ng Taiwan. Subalit gaya sa mga taga Sibuyan at mga katutubong Aeta ng Zambales, paano ang kalikasan, ang magsasaka, saan kukuha ng kuryente at tubig na gagamitin, saan itatambak ang mineral waste at mine tailings? At paano ang ating National Security? Hindi kaya sa loob lamang ng ilang taon ay maglaho rin ang ating kalikasan? Mga kaibigan, ang mga kasagutan, pagusapan natin, kasama ang ating mga panauhin, dito lamang sa PMPKPLUS sa ating paksang - NAGLALAHONG KALIKASAN.