SENATE IMPEACHMENT COURT MAGBIBIGAY NA NG HATOL
Pilipinas Insider
0:00 / 0:00
SENATE IMPEACHMENT COURT MAGBIBIGAY NA NG HATOL
11 684 просмотра · 11 часов назад
Pilipinas Insider
116 тыс. подписчиков
11 684 просмотра · 11 часов назад
Posibleng magkaroon na ng hatol ang Senate Impeachment Court sa impeachment case ni VP Sara Duterte sa Disyembre 16, 2026.
Taliwas ito sa nakasaad sa pre-trial order, kung saan posibleng sa Pebrero o Marso ng susunod na taon pa ang hatol.
Kung hindi na ituloy ng prosecution ang pagtalakay sa Article 3 o sinasabing panunuhol sa mga opisyal ng Department of Education, sinabi ni Impeachment Court Spokesperson Reginald Tongol na mapapaaga ng 27 araw ang schedule ng impeachment trial.
Sakaling matapos na ang prosecution hindi agad sisimulan ang presentasyon ng defense team, dahil kailangan pang ihanda ng mga taga-usig ang formal offer of evidence.
Sinabi sa DZMM ni House Prosecutor Terry Ridon na naka-focus ang prosekusyon sa iba pang testigong isasalang kaugnay ng ikalawang Article of Impeachment na may kaugnayan sa hindi maipaliwanag na yaman ng bise presidente.
Ayon kay Ridon, malalaman sa mga susunod na araw kung maibabangga ang mga akusasyon ni dating Senador Antonio Trillanes sa mga testimonya ng mga susunod na testigo sa paglilitis.