Перейти к содержимому

Madalas na mga Sakuna—Paano Maging Matatalinong Dalaga sa Pagtanggap sa Panginoon #jesus #salvation

Tinig ng Pananampalataya

0:00 / 0:00

Madalas na mga Sakuna—Paano Maging Matatalinong Dalaga sa Pagtanggap sa Panginoon #jesus #salvation

596 просмотров · 2 года назад
Tinig ng Pananampalataya
39,3 тыс. подписчиков
596 просмотров · 2 года назад
Sinabi ng Panginoong Jesus, “At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan; ingatan ninyo na huwag kayong magulumihanan: sapagka’t kinakailangang ito’y mangyari datapuwa’t hindi pa ang wakas. Sapagka’t magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba’t ibang dako. Datapuwa’t ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan” (Mateo 24:6–8). Ang mga sakuna ngayon ay lumilitaw sa higit na mas maraming bilang sa lahat ng dako ng mundo: Ang Wuhan coronavirus, ang mga balang sa Africa, ang pagkasunog ng mga kagubatan sa Australia, at iba pang mga sakuna na lumilitaw nang sunod-sunod. Ang apat na blood moon ay lumitaw din. Ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoon ay talagang natupad na; ang Panginoon ay dapat na talagang nakabalik na. Ang isang bagay na sumasakop sa mga isipan ng maraming mananampalataya sa Panginoon ay ito: Paano tayo magiging matatalinong dalaga sa pagtanggap sa pagbabalik ng Panginoon? Minsang sinabi ng Panginoong Jesus, “Kung magkagayon ay makakatulad ang kaharian ng langit ng sampung dalaga, na kinuha ang kanilang mga ilawan, at nagsilabas upang salubungin ang kasintahang lalake. At ang lima sa kanila’y mga mangmang, at ang lima’y matatalino. Sapagka’t nang dalhin ng mga mangmang ang kanilang mga ilawan, ay hindi sila nangagdala ng langis: Datapuwa’t ang matatalino ay nangagdala ng langis sa kanilang sisidlan na kasama ng kanilang mga ilawan” (Mateo 25:1–4).