PISTANG PATRON 2025 || OUR LADY OF THE MOST HOLY ROSARY PARISH || MAKINABANG, BALIWAG CITY, BULACAN
Renzo Castillo Pineda
0:00 / 0:00
PISTANG PATRON 2025 || OUR LADY OF THE MOST HOLY ROSARY PARISH || MAKINABANG, BALIWAG CITY, BULACAN
1 825 просмотров · 11 мес. назад
Renzo Castillo Pineda
226 подписчиков
1 825 просмотров · 11 мес. назад
Pagkatapos ng Banal na Misa, isinagawa ang Prusicion Grande bilang pagpupugay sa Virgen de Maquinabang. Isang engrandeng paglalakbay na naglibot sa buong Barangay Makinabang, tampok ang mga “Saints of the Holy Rosary” — mga banal na huwaran ng debosyon sa Mahal na Birhen at sa Santo Rosaryo.
Lumibot sa mga pangunahing lansangan ang 28 karosa na lulan ang mga imahen ng mga santo, sinabayan ng mga koro, sakristan, kabataan, at mga deboto mula sa iba’t-ibang samahan ng parokya. Sa bawat panalangin at awitin, damang-dama ang pananampalataya at pag-ibig ng sambayanan sa kanilang Ina.
Nagtapos ang prusisyon sa maluwalhating pagbabalik ng Mahal na Patrona sa simbahan, kasabay ng masiglang pagsayaw at tugtugin ng banda. Sa sigawan ng "Viva La Virgen!," muling ipinamalas ng barrio ng Makinabang ang kanilang wagas na debosyon sa Virgen de Maquinabang — ang Mapaghimala, Mapagkalinga, at Makalangit na Reyna ng Katimugang Baliwag.
Viva Virgen de Maquinabang!
#fiesta
#pistangpatron2025
#pistangpatron
#procession
#baliuag
#baliwagcity
#ourladyofthemostholyrosary
#saintsoftheholyrosary