Pagmamahal ng Diyos: Gabay sa Araw-Araw 20260905 04 38 16 Pro
raymund alerta
0:00 / 0:00
Pagmamahal ng Diyos: Gabay sa Araw-Araw 20260905 04 38 16 Pro
73 просмотра · 3 недели назад
raymund alerta
68 подписчиков
73 просмотра · 3 недели назад
MABUTING BALITA
Lucas 6, 1-5
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
Isang Araw ng Pamamahinga, naparaan sina Hesus sa triguhan. Ang kanyang mga alagad ay nangitil ng uhay, at kanilang kinain ang mga butil matapos ligisin sa kanilang mga kamay. “Bakit ninyo ginagawa sa Araw ng Pamamahinga ang ipinagbabawal ng Kautusan?” tanong ng ilang Pariseo. Sinagot sila ni Hesus, “Hindi ba ninyo nabasa ang ginawa ni David nang magutom siya at kanyang mga kasama? Pumasok siya sa bahay ng Panginoon, kumuha ng tinapay na handog sa Diyos at kumain nito. Binigyan pa niya ang kanyang mga kasama, bagamat ayon sa Kautusan, ang mga saserdote lamang ang may karapatang kumain niyon.” At sinabi pa niya sa kanila, “Ang Araw ng Pamamahinga ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Anak ng Tao.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
#MabutingBalita #Lucas6 #ManatiliSaPagibigNiKristo #SaksiNiKristo #FaithInAction #Panalangin #BirhengMaria #PrayForHealing #PrayForPeace #GodBlessThePhilippines