Pagmamahal ng Diyos: Gabay sa Araw-Araw 20260912 04 27 28 Pro
raymund alerta
0:00 / 0:00
Pagmamahal ng Diyos: Gabay sa Araw-Araw 20260912 04 27 28 Pro
52 просмотра · 2 недели назад
raymund alerta
68 подписчиков
52 просмотра · 2 недели назад
MABUTING BALITA Lucas 6, 43-49
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Walang mabuting punongkahoy na namumunga ng masama, at walang masamang punongkahoy na namumunga ng mabuti. Nakikilala ang bawat punongkahoy sa pamamagitan ng kanyang bunga. Sapagkat hindi nakapipitas ng igos sa puno ng aroma, at di rin nakapipitas ng ubas sa puno ng dawag. Ang mabuting tao ay nakapagdudulot ng mabuti sapagkat tigib ng kabutihan ang kanyang puso; ang masamang tao ay nakapagdudulot ng masama, sapagkat puno ng kasamaan ang kanyang puso. Sapagkat kung ano ang bukambibig siyang laman ng dibdib. “Tinatawag ninyo akong ‘Panginoon, Panginoon,’ ngunit hindi naman ninyo ginagawa ang sinasabi ko. Ipakikilala ko sa inyo kung kanino natutulad ang bawat lumalapit sa akin, nakikinig ng aking mga salita, at nagsasagawa ng mga ito. Katulad siya ng isang taong humukay nang malalim at sa pundasyong bato nagtayo ng bahay. Bumaha, at ang tubig ay bumugso sa bahay na iyon, ngunit hindi natinag, sapagkat matatag ang pagkakatayo. Ngunit ang nakikinig ng aking mga salita at hindi nagsasagawa nito ay katulad ng isang taong nagtayo ng bahay na walang pundasyon. Bumaha, nadaanan ng tubig ang bahay na iyon at pagdaka’y bumagsak. Lubusang nawasak ang bahay na iyon!”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
#MabutingBalita
#Lucas64349
#ManatiliKayKristo
#SaksiNiKristo
#FaithInAction
#CatholicFaith
#RomanCatholic
#BungaNgPananampalataya
#PundasyonAySiKristo
#PrayForTheSick
#HealingPrayer
#OurLadyOfSorrows
#PrayForOurPriests
#PrayForOurPope
#ConversionOfSinners
#ProDeoEtEcclesia