AKO'Y PARANG BASAG NA SISIDLAN | PSALM 31:11-2
In GOD's will
0:00 / 0:00
AKO'Y PARANG BASAG NA SISIDLAN | PSALM 31:11-2
7 просмотров · 7 дней назад
In GOD's will
4,6 тыс. подписчиков
7 просмотров · 7 дней назад
Ang tao ay may mga iba’t ibang way of describing their difficult situation, lalo sa takbo ng emosyon maraming salita ang nasasambit patungkol sa Kanyang nararanasang paghihirap. May nagsasabing, “wasak na wasak ako,” o “basag na basag” ako, o “durug na durog” ako sa mga nangyayari sa akin ngayon. Makatotohanan naman ang mga pinagdadaanan dahil sa mundong ito marami ang pagsubok at kapighatian. Alam itong lahat ng ating Manlilikha, at kalooban Niya na maunawaan natin ang ating mga pinagdadaanan ay may kabuluhang lahat. Hindi tayo pinapahirapan ng Diyos kundi pinatatatag sa ating pagkapit sa Kanya. Nais Niyang makita natin ang ganda ng pananampalatayang tinanggap natin mula rin sa Kanya.
Nararanasan mo man ngayon ang para kang durug na durog, alalahanin mo ang Diyos na nagmamalasakit sa Iyo. Hindi Siya malayo, tanggapin mo lang Siya sa iyong puso bilang iyong tagapagligtas, Panginoon, Hari at Diyos ng iyong buhay. Araw-araw babaybay tayo ng mga haharaping suliranin na minsan hinihiling nating mawala na, subalit ito ang katotohanan kasama na ito ng ating pamumuhay. Hindi nagsinungaling ang Panginoon o pinaasa tayong mabubuting bagay lang ang magaganap sa ating mga buhay. Siya nga ay nagtagumpay sa mundong ito noong Siya ay nagkatawang-tao. Kaya nga buhay Niya ang halimbawang ating titignan, Siya rin ang ating magiging kalakasan. Magtiwala tayo sa Diyos lamang.