AKING MGA KAPANAHUNAN NASA IYONG MGA KAMAY | PSALM 31:15-16
In GOD's will
0:00 / 0:00
AKING MGA KAPANAHUNAN NASA IYONG MGA KAMAY | PSALM 31:15-16
15 просмотров · 5 дней назад
In GOD's will
4,6 тыс. подписчиков
15 просмотров · 5 дней назад
Hindi ordinaryo ang bawat araw na buhay tayo at ginagawa ang mga daily routines natin. Dahil sa paulit-ulit na ganap hindi natin minsan ma-appreciate na ang ganda ng ginagawa ng Panginoon sa bawat araw. Dahil na rin sa maraming suliranin wala na tayong ibang pakiramdam kundi puro bigat at kahirapan na lang. Nakatutok na lang ang ating isipan sa mga pangit na detalye nalimutan na nating ipagpasalamat sa Diyos ang kagandahang loob Niya na hindi nagbabago. Tunay naman na struggle piliin si Lord dahil kahit noon pa man hindi natin Siya pinili bagkus Siya ang pumili sa atin. Malaking bagay na mapaalalahanan tayo how great He is sa mga buhay natin ano pa man ang mga kaganapan.
Alalahanin natin na ang ating mga kapanahunan ay nasa Kanyang mga kamay. Minsan sumasabat lang tayo, “oo naman alam natin yan si Lord ang may hawak sa ating mga buhay!”, pero pagnilayan din natin hindi ka humihinga ngayon kung di Niya pinag-adya. Hindi biro ang katotohanang Siya ang nagbibigay ng buhay at bumabawi nito. Nararapat nating acknowledged ito at purihin natin Siya sa kaloob Niyang pagpapala ng hininga at kalakasan araw-araw. Nagagawa lamang natin ang mga bagay dahil sa lakas at kakayanan na kaloob Niya. Wala tayong magagawa kung wala Siyang pagkilos sa ating mga buhay. Matagpuan nawa natin ang ating mga sarili na maging tapat sa pasasalamat at pagkilala sa Kanya.