Перейти к содержимому

PMPK Plus Episode # 138 “LIGTAS NA LUGAR PARA SA MAG-AARAL”

PMPK Plus

0:00 / 0:00

PMPK Plus Episode # 138 “LIGTAS NA LUGAR PARA SA MAG-AARAL”

74 просмотра · Трансляция закончилась 7 дней назад
PMPK Plus
58 подписчиков
74 просмотра · Трансляция закончилась 7 дней назад
Overview: 138 “LIGTAS NA LUGAR PARA SA MAG-AARAL” (On Providing Safe Space for Students) Nakita mo at nabalitaan natin, sa General Trias, Cavite, June 16, 2026, isang Grade 8 female student, pinasok ang Grade 5 classroom, at habang nasa meeting ang teacher, gamit ang kitchen knife, pinagsasaksak ang mga kabataang naroroon. Pito ang nasugatan, dalawa ang kailangang operahan, Salamat sa Diyos, walang namatay. Narinig mo at nabasa na rin, isang anim na taong gulang na batang babae, pinagsamantalahan at pinatay ng isang labinlimang taong gulang na batang lalaki sa Victoria, Tarlac, June 19, 2026. Sa Cavite pa rin, June 19, 2026, Cavite National High School, ang suntukan ay nauwi sa saksakan. Ang biktima, labingwalong taong gulang na estudyante, ay nagtamo ng saksak sa kanyang braso at likuran. June 22, 2026 -San Jose National High School, Tacloban City. Tatlong estudyante, patay at halos dalawampu ang sugatan. Isang 14 year at 15-year-old students ang namaril sa loob ng paaralan. Ang dahilan, wala lang. At ang pinakahuli – Aug. 18, 2026 – Ateneo de Zamboanga University – a grade 9 student shot and killed a Grade 10 student, leaving two others wounded. He later committed suicide. Ang dahilan, mababa raw ang nakuhang grade. Ang paaralan ay ang ikalawang tahanan, ang mga guro ang ikalawang magulang. Kung ganito ang mga balita, may ligtas pa bang lugar para sa mga mag-aaral? Ano ang ugat? Saan nagsisimula? Sino ang sisihin? Pag-usapan natin, kasama ang ating mga panauhin, dito lamang sa PMPKPLUS sa ating paksang – LIGTAS NA LUGAR PARA SA MGA MAG-AARAL.