Paano Ko Sila Maililigtas? | Iglesya ng Diyos
World Mission Society Church of God / Global
0:00 / 0:00
Paano Ko Sila Maililigtas? | Iglesya ng Diyos
2 499 просмотров · 4 г. назад
World Mission Society Church of God / Global
148 тыс. подписчиков
2 499 просмотров · 4 г. назад
Bakit Laging Tinuturing ng Diyos na Mas Mahalaga ang Pagsunod Kaysa sa Kakayahan?
Si Gideon ang pinakahamak sa pinakamahinang angkan sa lahat ng lipi ng Israel. Pero nagawa niyang matalo ang 135,000 kalalakihang Midianita nang may 300 lang na mandirigma sa pagsunod sa mga salita ng Diyos. Nanalo rin sina Moises at Josue sa digmaan laban sa mga Amalekita sa pagsunod sa mga salita ng Diyos. Sa parehong paraan, kahit sa mga araw ngayon, ang tagumpay sa lahat ng sitwasyon ay nagmumula sa paniniwala sa tulong ng Diyos at pagsunod sa Kanya.
Ang Lihim Para Pagpalain na Tinuro sa Atin ni Cristo Ahnsahnghong at ng Diyos na Ina
Gaya ng prinopesiya ni Isaias, “Gagawin ng Diyos na ang pinakakaunti ay magiging isang makapangyarihang bansa,” ang mga nakakaunawa na ang lahat ng bagay sa lupang ito ay naisasakatuparan alinsunod sa plano ng Diyos at sumusunod sa mga salita ng Diyos, kahit sa maliliit na bagay, ay pagpapalain.
Judges 6:15–16
Sinabi niya sa kanya … “Ang aking angkan ang pinakamahina sa Manases, at ako ang pinakahamak sa sambahayan ng aking ama.” Sinabi ng PANGINOON sa kanya, “Subalit ako’y makakasama mo at iyong ibubuwal ang mga Midianita, bawat isa sa kanila.”
Isaiah 60:21–22
Magiging matuwid na lahat ang iyong bayan, kanilang aangkinin ang lupain magpakailanman, ang sanga ng aking pananim, ang gawa ng aking mga kamay, upang ako’y luwalhatiin. Ang pinakamaliit ay magiging isang angkan, at ang pinakakaunti ay magiging isang makapangyarihang bansa. Ako ang PANGINOON, ito ay mabilis kong gagawin sa kapanahunan nito.
[Ang karapatang-ari ng video na ito ay nasa Iglesya ng Diyos, Samahan ng Pandaigdigang Misyon. Ipinagbabawal ang pagkopya, pamamahagi, o pagpapadala ng video na ito sa ano mang anyo o sa ano mang paraan nang walang pahintulot.]
〖World Mission Society Church of God〗https://watv.org
〖 Philippines 〗 https://phwmscog.com
〖WATV Media Cast〗 https://watvmedia.org/fil