Перейти к содержимому

PBBM at Sandro, Tandem sa Pagtulong sa Batac Market at Ablan Hospital sa Laoag!

Hello United Philippines

0:00 / 0:00

PBBM at Sandro, Tandem sa Pagtulong sa Batac Market at Ablan Hospital sa Laoag!

12 337 просмотров · 1 месяц назад
Hello United Philippines
195 тыс. подписчиков
12 337 просмотров · 1 месяц назад
Lumibot si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Gov. Roque B. Ablan Sr. Memorial Hospital sa Laoag City, Ilocos Norte, kung saan ininspeksyon niya ang bagong Dialysis Center, Pediatric Ward, at Obstetrics and Gynecology Ward, at personal na kinumusta ang kalagayan ng mga pasyente at mga serbisyong ibinibigay ng ospital. Layon ding palawakin ang kapasidad ng Gov. Roque B. Ablan Sr. Memorial Hospital sa pamamagitan ng pagtatayo ng bagong Main Building na may 150-bed capacity, upang mas marami pang pasyente mula sa Laoag City at mga karatig-bayan ang mabigyan ng dekalidad na serbisyong medikal. Pinalalawak ng administrasyon ang access sa dekalidad na pangangalagang pangkalusugan sa pamamagitan ng pagpapahusay ng mga pasilidad, pagpapalakas ng referral network, at pagpapatupad ng mga programang tulad ng Zero Balance Billing, Yaman ng Kalusugan Program (YAKAP), at Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP) upang mas maraming Pilipino ang makatanggap ng abot-kaya at maaasahang serbisyong pangkalusugan. Personal din na ininspeksyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga nasirang bahagi ng Batac Public Market, sinaksihan ang pamamahagi ng PhP 20,000 na tulong sa kabuhayan sa bawat isa sa 128 apektadong stall owners, at ipinagkaloob ang PhP 150 milyong Local Government Support Fund (LGSF) Special Allotment Release Order para sa rehabilitasyon ng pamilihan. Tiniyak ng pamahalaan ang patuloy na suporta sa pagbangon ng Batac Public Market sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong sa kabuhayan sa mga apektadong stall owners at paglalaan ng pondo para sa pagtatayo ng mas moderno, mas ligtas, at mas matibay na pampublikong pamilihan. Pinalalakas ng administrasyon ang mga hakbang sa pagbangon ng mga komunidad sa pamamagitan ng agarang tulong, suporta sa kabuhayan, at pamumuhunan sa mga proyektong magpapasigla sa lokal na ekonomiya at magbibigay ng mas maraming oportunidad sa mga Pilipino. #bongbongmarcos #sandromarcos #ilocosnorte