Xiaomi Mijia (DCL002CM) Heat Control Repair (Minsan gumagana minsan hindi)
Ricardo Conde PH
0:00 / 0:00
Xiaomi Mijia (DCL002CM) Heat Control Repair (Minsan gumagana minsan hindi)
23 просмотра · 7 дней назад
Ricardo Conde PH
186 подписчиков
23 просмотра · 7 дней назад
Xiaomi Mijia (DCL002CM) Heat Control Repair (Minsan gumagana minsan hindi)
Yan po may nagtiwala ulit sating magparepair, induction cooker Xiaomi yung tatak Mijia DCL002CM yung model, taga Sampaloc Manila yung may ari, pinalalamove papunta dito.
Ang problema sabi ng may ari naloloko daw yung heat control, minsan gumagana minsan hindi, tulad daw nung sa last video ko na napanuod nya, kapareho ding model ng induction nya.
So yun nung dumating sakin at tinesting ko ayaw ngang gumana ng heat control, kaya binuksan ko na para linisin at ayusin yung control switch.
Pagbukas ko ng unit, inipis sya sa loob kaya nilinis ko muna, tinignan ko yung mga board kung may mga ipis o insektong mga dumikit sa circuit, posible kasing maging dahilan ng malfunction ng circuit yung ganun, sa checking ko, yung sa main board wala naman, pero sa heat control board meron.
Kaya nilinis ko yung board ng heat control ng alcohol at toothbrush, pagtapos kong malinis, natanggal yung ibang coating ng pcb foil dahil din siguro sa mantika, nababad at natuklap na kapit ng coating, nung nilinis ko tuluyang natanggal.
Dahil dun tinesting ko yung linya nung mga natanggal yung coating baka kasi may putol ng linya, posible kasing kinain na ng basa yung pcb foil pag ganyang sign na natuklap yung coating, buti ayos naman.
Pagkatapos tinuloy ko ng tanggalin at ayusin yung heat control switch, nung natanggal ko na, nilinis ko at inangat yung paa ng contact switch sa loob, posibleng hindi na kasi tumatama sa contact point.
Nung naayos ko na, tinesting ko kung gumagana na ng maayos yung switch, yun gumana naman, ang function nya dapat kapag pinihit yung switch, mag on at off sya, palitan sila kada pihit.
Kaya kinabit ko na, nung pinagana ko na ulit, yun nag function na yung heat control switch.
Sinubukan kong mag salang ng tubig at yun kumulo naman 😊👍👌.
#xiaomi #induction #control #repair #ricardocondeph