Перейти к содержимому

(10.16.26) IKA-WALONG ARAW NG MISA NOBENARYO

Sto. Rosario Parish - Pacita 1

0:00 / 0:00

(10.16.26) IKA-WALONG ARAW NG MISA NOBENARYO

105 просмотров · 7 дн. назад
Sto. Rosario Parish - Pacita 1
332 подписчика
105 просмотров · 7 дн. назад
Biyernes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon Oktubre 16, 2026 | Biyernes | 6:00 PM Rev. Fr. Jeffrey Mon Pagaduan, OP School Chaplain, UST Angelicum College Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas Noong panahong iyon, samantalang dumaragsa ang libu-libong tao, anupat nagkakatapakan sila, nagsalita muna si Hesus sa kanyang mga alagad, “Mag-ingat kayo sa lebadura ng mga Pariseo – ito’y ang pagpapaimbabaw. Walang natatago na di malalantad, at walang nalilihim na di mabubunyag. Anumang sabihin ninyo sa dilim ay maririnig sa liwanag at anumang ibulong ninyo sa mga silid ay ipagsisigawan. “Sinabi ko sa inyo, mga kaibigan, huwag ninyong katakutan ang mga pumapatay ng katawan, at pagkatapos ay wala nang magagawa pa. Sasabihin ko sa inyo kung sino ang dapat ninyong katakutan: katakutan ninyo yaong pagkatapos na pumatay ay may kapangyarihan pang magbulid sa impiyerno. Sinasabi ko sa inyo, ang Diyos ang dapat ninyong katakutan! Hindi ba ipinagbibili sa halagang dalawang pera lamang ang limang maya? Gayunman, kahit isa sa kanila’y hindi pinababayaan ng Diyos. Maging ang buhok ninyo’y bilang na lahat. Kaya, huwag kayong matakot; higit kayong mahalaga kaysa mga maya.” --Lucas 12, 1-7