Перейти к содержимому

Maligayang Araw (Exultet) [Lyrics at the description] musika ng "Pandanggo sa Ilaw" (cover song)

Ricci Picache

0:00 / 0:00

Maligayang Araw (Exultet) [Lyrics at the description] musika ng "Pandanggo sa Ilaw" (cover song)

13 018 просмотров · 7 лет назад
Ricci Picache
5,17 тыс. подписчиков
13 018 просмотров · 7 лет назад
Maligayang Araw (Exultet) - Salin sa wikang Filipino at hinango sa musika ng "Pandanggo sa Ilaw" at ito'y naglalaman ng pitong bersikulo. Inaawit sa Banal na Misa ng Sabado de Gloria na may saliw ng sayaw. Ang mga mananayaw ay may tangan-tangan na mga munting ilawan. Another cover music by yours truly. God bless! For Lyrics: Magalak kayong lahat sa kalangitan, kayong mga anghel ay mag-awitan, magalak kayong lahat na mapapalad na nilikha na nakapaligid sa luklukan dakila. TUGON: Magalak ng lubos ang buong sambayanan sa kal’walhatian lahat tayo’y magdiwang sa ningning ni Hesukristo, sumagip sa sansinukob. Siya’y muling nabuhay tunay na manunubos. Si Kristo na ating hari ay nabuhay na mag-muli. Hipan natin ang tambuli nitong ating kaligtasan. Magalak o sanlibutan sa ningning ng ating ilaw. Si Kristo na walang maliw ay pumaram sa dilim. (T) Itaas sa kalangitan ating puso at isipan Diyos Ama’y pasalamatan sa Anak niyang nabuhay Sapagkat tapat S’yang tunay sa Kanyang pananagutan Para sa kinabilangan Niya na sambayanan.(T) Ngayon nga ang kapistahan ni Hesukristong nag-alay Ng Kanyang sariling buhay, nagtiis ng kamatayan. Ang minanang kasalanan, ang dating kaalipina’y Sa tubig pawing naparam, kalayaa’y nakamtan.(T) Ngayon nga ang pagdiriwang ng ating muling pagsilang Sa tubig ng kaligtasan na batis ng kabanalan. Pagkat mula sa libingan bumangon na matagumpay Mesiyas ng sanlibutan si Hesus nating Mahal.(T) D’yos Ama ng sanlibutan, tunay na walang kapantay Pag-ibig Mo’t katapatan para sa mga hinirang. Handog Mo’y kapatawaran sa lahat ng kasalanan Higit sa lahat Mong alay si Hesus naming Mahal.(T) Dahil sa kaligayahang sa ami’y nag-uumapaw Hain naming itong ilaw, sagisag ng pagkabuhay Tunay na kaliwanagang hatid ni Hesus na tanglaw Ang dilim ng kamatayan ay napawi’t naparam.(T) Ang araw ng kaligtasan, si Hesus, bukang liwayway Walang maliw na patnubay sa landas ng Kaligtasan. Hatid N’ya’y kapayapaan, lakas mo at pagmamahal Upang aming magampanan aming pananagutan.(T)