ARCHITECT, NAGDESISYON NA GASTUSAN ANG KASAL NG EX-WIFE UPANG MULING MAIKASAL SA KANIYA. PAANO?
JHAM TALES
0:00 / 0:00
ARCHITECT, NAGDESISYON NA GASTUSAN ANG KASAL NG EX-WIFE UPANG MULING MAIKASAL SA KANIYA. PAANO?
13 876 просмотров · 1 день назад
JHAM TALES
70,5 тыс. подписчиков
13 876 просмотров · 1 день назад
Story writer: Aga
Story narrator: Jey-ey
Arrangements: Admin Luna Margaret
Story Preview:
Matagal na nakatitig si Frederick Beckett sa isang lumang larawan na nasa loob ng kanyang wallet. Family picture nila iyon.
“Nasa Cebu na ba sila?” tanong ni Fred.
“Yes, Architect Beckett, on the way na raw po si Miss Augustina,” sagot ni Warren, sekretarya ni Frederick.
Seryoso lamang siyang nakatitig sa mag-ina niyang apat na taon niyang hindi nakasama. Dahan-dahang hinaplos ni Fred ang gilid ng larawan gamit ang kanyang hinlalaki.
Kung naging mabuti lang sana siyang asawa…
Kung hindi niya hinayaan ang trabaho, negosyo, meetings at kung anu-anong responsibilidad ang laging mauna… baka hindi sana nauwi sa hiwalayan ang lahat.
“Nais mo po ba’ng ipatawag na si Attorney Chavez?” tanong ni Warren.
Napabuntong-hininga siya.
Fred: “No… kami na ang bahala ni Augustina na mag-usap.”
Masyado silang nagmadali noon.
Nakalimutan ni Augustina kung paano mahalin ang sarili. Hindi ito masamang asawa o ina, ibinigay lang nito ang buong sarili sa kanilang pamilya hanggang sa wala nang natira para rito. Kasabay pa nito ang postpartum period matapos manganak kay Frank, kaya naging sensitibo ito sa lahat. Minsan, simpleng tingin lang ni Fred sa babaeng empleyado ay pinagseselosan na nito, pati ang mga babaeng tumatawag o ngumingiti sa kan’ya. Hanggang sa unti-unti itong napuno at nakalimutang unahin ang sarili.
Sa halip na intindihin… madalas, tinatawanan lang niya.
“Augustina, you’re overthinking again. Tandaan mong ikaw ang namilit sa kasal na ‘to dahil baliw na baliw ka sa akin! Dahil inakit mo ako! Pinikot mo ako! Pera ko lang ang gusto mo!” Iyon ang madalas niyang sabihin noon.
Hindi niya napagtanto na bawat pagkakataong sinasabi niya iyon, mas lalo lamang lumalayo ang loob ni August sa kan’ya.
Hanggang sa isang araw… napagod na ang asawa.
“Just make sure na hindi mahihirapan ang a-asawa ko…” biglang natigilan si Fred… hindi na talaga siya nasanay na hindi na pala niya asawa si Augustina. “Make sure na ligtas siyang makakabalik sa akin, Warren.”
***
Story Parts:
Intro: 0:00
Part 1: 1:42
Part 2: 15:18
Part 3: 26:35
Part 4: 45:17
Part 5: 1:06:28
Part 6: 1:14:02
Last Part: 1:31:03
#tagalogstories
#tagaloglovestory
#lovestory
#audiobooks
Keywords:
Kuwentong pag-ibig
Istorya ng buhay
bilyonaryo
Drama stories
Pag-ibig sa bilyonaryo
One night stand
full story
full stories
Inspirational Stories
Success stories
Kuwento ng buhay
Tagalog drama
Tagalog stories
Tagalog drama ng buhay
Motivation
Inspiring stories
Full episodes
----------------------------------------------------------------------------
Disclaimer: Ang kuwentong ito ay kathang-isip lamang. Kung may pagkakatulad sa lugar, pangalan, pangyayari, ang lahat ay nagkataon lamang at mula sa malikot na imahinasyon ng manunulat.
Ang kuwentong ito ay ekslusibong pag-aari ng JHAM TALES. Bayad po namin ang audiobook copyright sa manunulat ng stories gayundin ang bumoboses para mabigyan ito ng buhay. Please do not copy and reupload. Thanks!
All rights reserved: Jham Tales | 2025