PMPK Plus Episode #139 “POPULASYON NG BANSA: Dumarami, Bumubuti o Sumasama Kaysa Dati?”
PMPK Plus
0:00 / 0:00
PMPK Plus Episode #139 “POPULASYON NG BANSA: Dumarami, Bumubuti o Sumasama Kaysa Dati?”
252 просмотра · Трансляция закончилась 4 нед. назад
PMPK Plus
60 подписчиков
252 просмотра · Трансляция закончилась 4 нед. назад
PMPK Plus Episode #139 “POPULASYON NG BANSA: Dumarami,
Bumubuti o Sumasama Kaysa Dati?”
(On Philippine Population and Demographic Distribution)
Nuon 1950s, Siyam hanggang sampu ang dami ng bilang ng mga anak.
Pagdating ng 1970’s, nabawasan, lima hanggang anim na lang.
Lalo pang bumaba nuong 1990s, tatlo hanggang apat na lamang.
At bago sumapit ang bagong milenyo, dalawa hanggang isa na lang.
Minsan ay naligaw ako sa kahabaan ng riles ng tren mula Santa Mesa
hanggang Paco, duon nakita ko, parang may factory ng bata na nakikipagpatintero
sa dumaraang tren. Ang mga nanay, masayang nagtsitsismisan,
ang mga tatay naman na nakausli ang malalaking tyan,
hawak ang manok pansabong, walang pakialam, basta may pantagay.
Pero sa malalaking bahay sa loob ng mga kilalang exclusive village
at mga subdivision, halos wala kang makitang tao, mga katulong lang at
hardinero. Pagkalaki-laki ng mga sasakyang maghahatid sa maliit at nagiisang
anak, at dahil dahan dahan sa pagbaba, tatlong minuto ay kulang, habang
humahaba ang pila ng iba pang sasakyan.
Naranasan kong dumaan sa kilalang eskwelahan dito sa Greenhills, yung four
lanes, nagging one lane, kaya ang traffic, kasumpa-sumpa. What could have been 30-minute ride from my place in Pasig became two hours. I was late for my meet.
Over populated nga ba o wala lang tayong disiplina? Under populated o ayaw
na talagang mag anak ng mga millennials at gen Z, at sa halip ay baby furs na lang
ang kanilang mga karga-karga mga alaga sa mga malls?
Nababahala na ang South Korea, babayaran na nila ang bagong kasal para magka-anak.
Sa Japan, kakaunti na ang mga young workers na siyang sumusuporta sa kanilang
aging population. Ang dating one-child policy ng China, Binawi na.
Pag-usapan natin, mga kasama, ang ating mga panauhin dito lamang sa PAMILYA MO, PAMILYA KO, PLUS sa ating paksang - Populasyon ng ating Bansa:
“Dumarami, Bumubuti o Sumasama kaysa Dati?”