Перейти к содержимому

ANO ANG TOTOONG NANGYARI SA TRAHEDYA NG MV SUPERFERRY 14?

Utol Ford

0:00 / 0:00

ANO ANG TOTOONG NANGYARI SA TRAHEDYA NG MV SUPERFERRY 14?

100 884 просмотра · 2 месяца назад
Utol Ford
386 тыс. подписчиков
100 884 просмотра · 2 месяца назад
Tol sa unang tingin, parang ordinaryong biyahe lang ito—isang barkong puno ng mga pasaherong pauwi sa kani-kanilang probinsya. May mga estudyanteng galing sa kompetisyon, may mga pamilyang sabik makauwi, may mga manggagawang pagod pero umaasang makakapagpahinga na pagdating sa destinasyon. Gabi iyon ng Pebrero 26, 2004, nang dahan-dahang umalis sa Maynila ang MV SuperFerry 14, dala ang halos 900 katao papuntang Visayas at Mindanao. Pero habang natutulog ang karamihan, naiwan sa loob ng Superferry ang isang lihim na ilang minuto na lang ay magpapabago sa buhay ng daan-daang pamilya. Makalipas ang halos isang oras na paglalayag, isang malakas na pagsabog ang gumising sa buong barko. Nagsimula ang sigawan, takbuhan, usok, at takot. Ang dapat sana’y simpleng biyahe pauwi ay naging isa sa pinakamadilim na gabi sa kasaysayan ng Pilipinas. Paano at ano ang totoong nangyari sa naganap na trahedya ng MV Superferry 14 na ikinas4wi nang hindi bababa sa 116 na pasahero na pati mga maliliit na b4ta ay hindi nakaligtas sa nakaambang malaking peligro. Mga isang oras matapos lisanin ng SuperFerry 14 ang pantalan ng Maynila, nasa bahagi na ito malapit sa El Fraile o Corregidor Island nang yumanig ang barko sa isang malakas na pagsabog. Sinabi ni Kapitan Ceferino Manzo na naamoy niya ang pulbura matapos ang pagsabog, Habang lumalawak ang sunog at nagiging delikado ang sitwasyon, bandang 1:30 ng madaling-araw noong Pebrero 27, iniutos ni Manzo na abandunahin na ang barko. Doon nagsimula ang desperadong pagtakas ng mga pasahero: ang ilan ay sumakay sa rescue boats at lifeboats, ang iba ay napilitang tumalon sa madilim na dagat, at may ilang nakaligtas na kumapit sa mga lubid o nailigtas ng dumating na sasakyang-pandagat. Sa gitna ng dilim, usok, apoy, at takot, naging survival ang bawat minuto para sa daan-daang taong sakay ng SuperFerry 14. Bago pa man naganap ang trahedya ilang buwan bago pa ang biyahe ng Superferry 14. Sa timeline ng Maritime Review noong Nobyembre 2004, nakasaad na noong 2003 nagpadala na ng tatlong liham ang Abu Sayyaf sa WG&A Philippines, ang kumpanyang nagmamay-ari ng SuperFerry 14. Ang ikatlong liham na ipinadala noong October 2003 ay nagbabala na ng isang pag-atake sa isa nilang barko matapos umanong hindi tugunan ng kumpanya ang hinihinging $1 milyon ng Abu Sayyaf kapalit ng patuloy at walang-sagabal na paggamit ng mga rutang pandagat sa Mindanao o sa madaling sabi, protection money umano ito para makadaan ang kanilang mga barko nang hindi ginagalaw sa umanong lugar ng mga bandido. Hindi malinaw sa public record na nagbayad ang kumpanya; sa halip, lumitaw sa mga ulat na itinuring ang banta bilang seryosong usaping pangseguridad. True Crime Tagalog | Tagalog Crime Stories